Wednesday, August 19, 2009

sagot sa pag post ng 'may araw din kayo'

Naku,  d ako makapaniwala ng nalagay dito sa blogang artikulo ng langaw na yan. my gawd, banas na banas ako ke de quiros.  siguro kung ganun ang kainis nya kay gloria, 'same here' ako sa kanya.

Lahat na lang ng tungkol ke gloria may nasasabi sya. Minsan hindi si gloria ang topic nya, pero isisingit at isisingit pa rin nya.  Sa totoo lang, hindi ko na binabasa ang pwesto nya sa inq, pero sinisilip ko kung naninira na naman sya. Anong klaseng fixation kaya ang pagka poot nya kay gloria? Ni wala ng ginawa si gloria na maganda.  kawawa naman sya na umiikot ang araw nya sa pagkainis sa taong yun, at puro yun ang ginagawa nya, sumulat ng pagkaasar nya.

hayy kawawang bata.  hayaan mo, sa 2010 wala na ang bansot na presidente.  sana naman sa araw na iyon ay dumating na din ang araw mo-- sumaya ka na sana.

disclaimer:

i did not read the post. just seeing the name makes me %$@!&%$! errrr

I need some hapi tots fast!

Ma-drama

Mayroon ding sariling drama ang mga protesters sa mga napiling National Artists na sina Cecile Guidote-Alvarez at Carlo J. Caparas. Hindi kasi sila boto. May necrological services pa symbolizing the death of the once prestigious award (kuno) sa sector na ito ng bansa ay namatay na.

 


Sa totoo lang hindi ko na maintindihan ang mga tao sa paligid. Merong mga aktibistang patuloy na nakikipaglaban sa mga prinsipyo nila; merong mga politikong patuloy na nakikiksawsaw sa iba’t-ibang isyu sa paligid nila para pampadagdag ng ‘pogi at ganda points.’; merong mga pulis na walang ginawa kundi magtago sa mga lilim ng puno o sa dilim para makapangotong sa mga tao...


 


Hayy... ano ba itong nangyayari? Puwede bang gumawa na lang kayo ng tama at solusyonan ang mga maliliit na bagay na puwede niyong i-contribute sa bansa at paligid nyo ng guminhawa naman tayo kahit konti, kahit katiting lang. Para walang magugutom, walang magsasara ng mga kompanya, wala ng magnanakaw...


 


Frustrating but true.





May Derby Na!

Malamang narinig niyo na ang tungkol sa pag-file  ng ‘Alyansa ng mga Sabungero’ sa COMELEC kamakailan. Ayaw kong masamain or maliitin ang mga taong ito pero ano ba ang intensyon nila at bakit sila naghain ng intensyon para sumali pa sa magulong mundo ng politika natin?


 


Hindi mo tuloy maiwasang magtaasan ang kilay ng ibang politiko, mga tao at pati na rin si Comelec Chairman Jose Melo. Pero sa totoo lang expected ko na ito dahil sa tuwing sasapit naman ang eleksyon paniguradong may mga susulpot na mga ‘panggulo’ kung tawagin.


 


Wala namang masama nga naman kung sumali sila dahil karapatan nila iyon at sumunod naman sila sa sinasabing mga requirements. Nagbayad din sila ng fee na P3k+. Pero sabungero sa Kongreso??


 


Uhmm siguro gusto naman nila ng ibang venue. Ung sosyal. Sabi ni Chair. Melo, “Bakit sila maituturing na ‘marginalized’ kung may mga pera sila?” Ang sagot naman ng grupo ni Nid Amad na “marginalized dahil kumikita lang ang mga tahor (cockfighting experts) kapag nanalo ang pinagtrabahuhan nila and they live a hand-to mouth existence.” Pinagyayabang pa na isa sa mga miyembro nila an gating Pambansang Kamao na si PacMan. Naman!!!! Parang mga naalimpungatan lang ang mga ito na “tara punta tayong Comelec sumali tayo!” Ano ito laro?


 


Ok kunyari nakapasok sila at nanalo sila? Hihingi sila ng pork. Para saan naman nila kaya gagamitin? Pondo para sa mga maliliit nilang miyembro at ibang tao na kunyari makikinabang? Or kunyari nga lang iyon dahil malaking pondo iyon para makapagpatayo ng isang magandang sabungan. Tsk tsk.


 



O siya. May derby pa akong aasikasuhin dito sa opisina

Morning Mishap

Terible! May karambola sa may Road 10 (Pier) ngayong umaga. On the way to the office, we saw this accident.


 


 


Hindi ko alam kung anong nangyari pero daming sasakyan ang naapektuhan. Di ko nga lang nakuhanan yung ibang trak at mga kotse pero mga 5-6 na sasakyan yun. Itong owner jeep ang pipi talaga. Nagpiyesta nga ang mga taong nakatira sa paligid dahil sa mga isdang tumilapon sa biyaherong jeep. Siguro din nagmamadali itong owner jeep na ito sa palengke dahil late na nga naman.


 


Ang lakas ng kaba ko habang papalapit sa aksidente, ni ayaw kong padaanin sa banda doon ang sasakyan dahil ayokong may makitang taong nakahandusay or itsura ng mga sasakyan pero buti na lang kung buhay pa ang mga taong sakay noong owner jeep eh di ko nakita. Kung buhay man siya sana di siya masyadong nasaktan, kung hindi naman siya sinwerte, sumalangit nawa ang kaluluwa niya.


 


Kaya dapat todo ingat tayo sa pagmamaneho, huwag lalapit or makipagkarerahan sa mga trak, observe traffic rules (keber gusto mo ng umuwi at naiihi ka or nadudumi ka na hehe), check your car before leaving (oil, gas, breaks) etc.


 


 



Tuesday, August 18, 2009

Your Day Will Come


Conrado de Quiros’ article in PDI yesterday made my day (or night). The title of his article (which he wrote in Filipino) MAY ARAW DIN KAYO or Your Day Will Come in English hehe. Am gonna highlight those I like the most in this article. Have fun!


Read it here:


Tatagalugin ko na nang makuha niyo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog. Tutal Buwan ng Wika namanang Agosto. Baka sakali yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pagunawa nyo dahil mukhang yung pboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ nyo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay yung nagmamaang-maangan. Bueno, mahirap din paintindihin yung likas na tanga. Pero bahala na.


Sabi mo Cerge Remonde, alangan naming pakanin ng hotdog yung amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian yun. At public service yun, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso niya. Kung meron man siyang dugo, kung meron man siyang puso.


Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House papuntang Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hambugerang nakita nila. Ito ay isang Ray’s Hell Burger, isang maliit at indipendienteng hamburger joint.


Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galling sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.


Ito ay president at bise president ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, yung amo niyo ay hindi naman talaga president. Di lang Makita ang pagkakaiba ni Garci kay GOD kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.


Sabi mo Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong ambag ng amo niyo sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang naming ay yung bilyong piso- o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos-na inaswang ng amo niyo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi niya sagutin ito. Kailan pa naing pribilehiyo ng isang opisyal and di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?


Maliit lang pala ang P1 milyon ay bakit hindi niyo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz, isipin niyo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 milyon at karagdagang P750, 000 na nilamon ng amo niyo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran san New York.


Mallit lang pala ang P1 milyon (at P750, 000) , bakit hindi nyo na lang bigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano yung gusto niyong ibigay sa bawat isa? P20, 000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan niyo sa $20, 000. Pasalu-saludo pa yang amo niyo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malakasakit. Bumenta na yang dramang yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the ABUS!” Di ba noon pa niya yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako yang amo niyo.


Bukod pa dyan, saan ba nanggaling yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong niyo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo nyo habang kami ay nagdidildil ng asin – yung magaspang na klase ha, di yung iodized. Ang tindi nyo mga pare.


At ikaw naman Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Biutcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka at di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang yon.


Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa nyo. At di naman kami sinuswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay ng PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi niyo, kailangan ng amo niyo sa pagbyahe-byahe? E sino naman ang maysabing magbabyahe siya? Nayon pang paalis na siya-malinaw na ayaw niyang umalis. Bakit hindi na lang siya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman sya ron.


Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di nyo malulusutan ang bulilyasong ginawa niyo. Para niyo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin niyo yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.


Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa niyo yung magpasasa sa P1 milyon dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman – di lang sa kawala ng pagkaon kundi sa iba pang bagay – at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan niyo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa ang usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa niyong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.


At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman naming sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.


Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.


May araw din kayo.



Tsk. Tsk. Kawawa naman talaga ang Pilipinas.

Monday, August 17, 2009

Unfair...

Yan ang masasabi ko sa mga newspapers, TV stations at mga taong nagdi-discriminate sa mga taong taga TONDO. Bakit?


Kapag may news sa TV halimbawa may patayan, nakawan, holdapan at kung anu-ano pa sasabihin Tondo daw pero hindi naman sasabihin ang eksaktong lugar. Napakalaki ng lugar na yan noh?!


Kaya tuloy ang ibang tao takot pumunta sa lugar namin. Kapag nalaman ngang taga Tondo ka ang mga facial expressions magbabago panigurado yan. Or lolokohin ka na 'naku taga Tondo ka? di ba magulo dun?' Tama ba yun? Nakakainis kahit na alam mong hindi naman ung gulo sa inyo. Nagkataon lang na doon kayo nakatira.


Pero mahal ko ang lugar namin. Accessible sa grocery, wet market, simbahan, hospital, schools, tas ang sakayan madali lang din.


Kaya nga puwede ba pakiusap sa mga taong sarado ang utak tungkol sa mga nakatira sa Tondo, manahimik kayo at sa mga newscasters at journalists paki specify naman kung saan ang lugar na nire-report niyo pwde naman iyon di ba? Kunyari malapit sa bahay nila Pareng ganun or Mareng ganyan. hahaha.


 


Ayun lang...hehe.

Thursday, August 13, 2009

pahirap ang mga TT

LT (lunch table) is the place to be talaga. We often talk about so many things here. As much as possible iniiwasan ang work dahil para mawala ng konti ang stress. Puro tawanan lang talaga kapag breakfast at lunch. Here's one:



Rey: nakakailang TT ka ba sa isang araw?


Kathy: depende kung ilan ang dumating


Rey: kaya ka laging pagod eh noh? daming TT


Kathy: oo nga eh. napupuyat ako sa dami


Rey: ako nga din dati dami namang PP  kaso wala naman akong magawa kasi boss ang nagbigay eh.



I was just starting to eat my santol when I heard Rey talked about PP and TT. I just laughed when I realized that it wasn't the same "thing" but they were talking about TT or Trouble Ticket and PP or PreProd.



Hahaahaha...ayan dumi kasi ng isip eh.

I want her in the senate and that's an ORDER!

Reasons why i want Kris "Krissy" Aquino in the Senate:


1. Our own version of legally blonde - imagine krissy in all pink, making a priviledge speech sa senado?  She would say  'mom, i lied aha-ha-ha-ha'.  talbog si maid Miriam sa kanyang 'i lied HA-HA-HA'


2. She will be the most taklesang senatress.  Dahil dito, pwedeng ibuking nya si Manong Ed at Loren (sila pa ba?), kung pumorma nga ba si Leon Guerrero kay Sen PC (guess who!), at kung sino ang bagong gf ni senatress mam-ser. [hahaahah hilarious babe!]


3. I feel she will be a better senator than bro noy (na nagbubutas lang ng silya).


4. May endorsements na sasabihin after ng mga sessions niya sa Senate.  Syemore dapat may commercial noh?!


[sam: well, she's witty naman talaga. I don't like her before  but found her nice and true naman, tactless nga lang hehe. basta i like her and Mikoy and I wants to see her in Senate. NOW NA!]


cheap facial

waaaa



i just tried out this garnier facial mask with lemon essence variant (P49 for 2 applications).



cool!  nakakaaliw pag natuyo na sya, para na akong si ethan hunt, nagpapalit mukha sa mission impossible.

well... parang naging smooth ang face ko,  hmmm pero parang kailangang ulitin pa ulit hehehe.

Tuesday, August 11, 2009

11 questions that boggle our minds during the Cory coverage?

I just got this one as one of those forwarded messages in my email last week. Don't know the source but this is quite annoying, irritating.



(MIKOY: WOW u really posted this sam?!?! Sige na nga patulan ko rin ha. My comments in BLUE)



1. The four honor guards who accompanied Cory Aquino’s cortege
Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener Laguindan, Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez and Police Officer 1 Danilo Maalab stood on a moving flatbed truck under the rain for eight straight hours without sitting, eating or relieving themselves.

The question: How did you hold it all in (hunger, fatigue, your urge to pee)? What sort of training did that take?


My comment: Very proud of these 4... that was one serious sacrifice man!


Speaking for the four:  Even if we did feel those things, we will not admit it!  It will make us less of a hero.  Thank you to the driver -- good driving!  If not for you, we could have fallen. Good teamwork!  And thanks to our legion of fans, for the recognition and support.  Mwahh



2. James Yap
The basketball player and husband of Kris Aquino is known for not having a very expressive face or body language, more so during the last few days he was caught on camera.

The question: As she bawled her eyes out in heart-wrenching sobs, how come you didn’t hug your wife or even hold her hand?


My comment: Naman! Pati ba naman pagiging di expressive ng tao pansinin ba? FYI, I saw him holding hands with KRIS during the wake and well we probably did not see everything right?


James is catatonic and is an active anti-PDA-er.   He’s already got his hands full, with josh and james.  and haller he's only got two hands, the left and the right.



3. Kris Aquino
The youngest daughter of Cory not only turned on the waterworks full blast, she also said Cory told her she was most like her father, Benigno “Ninoy” Aquino, and that she was her mother’s favorite since she brought Cory the most joy. She also thanked her many endorsers after crying because she said her mom told her to do so.

The question: Why must it always be about you?


My comment: Sinong gusto mo ikaw?


Nice sam! epal kasi yung sumulat nito ang korni naman.  sarap balahurain heheh.   BTW, sayang walang TISSUE paper na in-endorse si kris. bongga sana ang exposure.  Bawat singhot, hugot!



4. Jamby Madrigal
Yellow bracelets with the face of the senator, who recently declared she will run for the presidency in 2010, were given away at Cory’s burial procession, reports newmedia.com.ph. “While [Facebook user Happy Feraren] was waiting for President Cory Aquino’s cortege, she and her Mom decided to buy a yellow umbrella. They were then given a yellow beaded bracelet afterwards for free,” he says.

The question: Did you know they were giving away yellow bracelets with your face on them at a wake that was honoring someone else?


My comment: Eto ang saksakan ng kapal! Sumegue ba sa pangangampanya?! HINDI ka na nahiya Senator MAM-SER!


Senatress Jamboy yung picture mo pa na ginamit mo ay 4 yrs at 50 lbs ago pa.  wala bang bago?  saka binata ka pa yata no heheh



5. Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz
While the cameras zoomed in on Kris Aquino as she talked during the entire burial procession, her sister Ballsy did not have many words to say.

The question: As the eldest daughter of Cory, what would you have wanted to tell the Philippines if you had more camera time?


My comment: Sus! Eh kung si Kris ang vocal at ginawa nilang spokesperson eh may  magagawa ba kayo? Kung ganun ang usapan ng pamilya?


No comment.  I do not know balsy, and i can't read minds.



6. President Gloria Arroyo
Fresh from her US trip, GMA arrived at Cory’s wake at around 3 a.m. and stayed for only seven minutes. Aquino was known to be against Arroyo and even asked her to resign when GMA admitted she talked to a COMELEC commissioner in the “Hello Garci” fiasco during the canvassing of votes for the 2004 elections.

The question: Why did you go in through the back door? Were you afraid of the crowd’s reaction? Also, how does it feel to be declared dead by Manila Bulletin, Philippine Star and ABS-CBN?


My comment: Di ka ba nag-iisip? Siyempre alangan namang sa harapan pumasok iyon eh di pinaliguan siya ng mga invisible bala ng mga tao, isama mo na ang mga mura. Pero the crowd there during the wake was so respectful naman, I don't think gagawa sila ng bagay lile manggugulo.



Seriously,  I went to the wake and everyone's entering thru the back(door). The front door is for the exiting people.  So if GMA entered thru the front, she'd be going against the flow.  She might be trampled by the crowd not because they see GMA, but because they could not see her (coz of her size).



7. Boy Abunda
The TV host/producer and BFF to “Krissy” Aquino seemed to have commandeered the entire Cory wake and burial, with exclusive interviews and live updates.

The question: Why did you play such a pivotal role in the whole event? And why was Kris on your arm, not James’ when she stepped down from the family bus?


My comment: Aba siyempre ako ang kaibigan na malapit sa kanila bakit pa lalayo sila Kris? Kasama niya sa trabaho un. Given na yun di na nga dapat pinagtakhan iyon. Bakit pa ako magiisip ng kung sino2 eh eto na nasa tabi ko na tsaka di ba in grief ang pamilya?


Boy is kris' manager.  Syempre concerned sya sa lighting at angulo ni kris, kaya kailangan makialam sya.



8. Jiggy and Jonty Cruz
When did Cory and Ninoy’s grandkids become so cute? Jiggy published his book Ninoy: Art and Essays last year because of his “100% love for my Lola, my Lolo, and for the comic-book industry,” he says in his blog.

The question: Are you going to follow Auntie Kris’s footsteps and join showbiz?


My comment: NO COMMENT.


You found them cute? are you gay?



9. Gabby Lopez
The chairman of TV station ABS-CBN was spotted holding a young woman’s hand during the wake. Clue: It wasn’t his estranged wife Panjee Gonzales.

The question: Whose hand were you holding?


My comment: Selos ka? hihi. Matagal niyo na namang alam na nuknukan ng babaero yan nagtatanong pa kayo?


Magulat ka kung kamay ni tita cory ang hawak nya. awoooo



10. Noli De Castro
Blogger Jamal Ashley Yahya Abbas claims he saw Vice President Noli De Castro push East Timor President and Nobel Peace Prize laureate Jose Ramos-Horta with his two hands in his hurry to get to his seat beside former president Fidel Ramos. But de Castro must have known who it was since he welcomed Horta to the Philippines last year for the latter’s four-day state visit.

The question: Did you know you pushed the president of East Timor


My comment: Baka naman hindi niya sadya or hindi niya lang talaga napansin? Baka may tumulak din sa may bandang likuran niya di ba? Give the man some benefit of the doubt. haha.


oo nga baka naman may tumulak.  o baka type ni noli si FVR kaya gusto nyang seatmate.  tsaka yang blogger na yan e totoong tao ba yan? para namang hindi mo alam na karamihan sa blog ay tsismis lang.


11. Why was the South Luzon Expressway closed even though the procession didn’t pass there? Why was there a Dora the Explorer balloon near the flatbed truck carrying Cory’s coffin? What are the teenagers who asked why people were signing L for loser, learning in school? What will Baby James be called when he grows up? Why did our poor flag look so flimsy when it was being folded at Manila Memorial?


My comment: Bakit ba napakadami mong tanong na di naman na dapat tanungin? Kung sino ka man kasi, huwag nang pagukulan ng pansin ang mga maliliit na bagay. Kapag ganyang nagdadalamhati ka, lutang ang utak mo. Tsaka parang gusto mo lang ata mapansin or mapagusapan eh,, Tama na ha? Sige na sleep ka na lang =p


bow!  bat pa ba natin pinatulan to heheh

Thursday, August 6, 2009

pls support

http://www.petitiononline.com/badwilly/

napalabas nya tuloy ako sa aking pag hibernate.

classic willie. tsk tsk. ashul

Wednesday, August 5, 2009

Farewell to a good woman

Last Saturday, Aug 01, we were all devastated by the news that Pres. Cory Aquino passed away.  I am not really a fan of this great woman but she has my respect. I don't know her personally unlike my late grandfather, Cardinal Sin but I respect her and admire her advocacy.


Seeing all the people who waited patiently in line (I wanted to visit but unfortunately wasn't able to do so) just to pay their last respect to the late pres was admirable. They did it with great pride and fervor. Never mind the rain, the heat, the aching feet and soles, just to have a glimpse of Cory.


I really cried when I was watching Kris telling us a detailed story of what transpired before her mom's death. Sakit sa dibdib talaga. Listening in the necrological mass, in the Eulogies by the people close to her, wow I couldn't describe the feeling... But what I'm happy about  - during the wake, there was forgiveness. Cory was able to be a medium, a bridge to build the gap between the Marcoses and the Aquinos. I firmly believe that the Marcoses sincerely did that and not only for the sake of.






Also, hearing the words being given to her, aww she must have done a good job while she's alive. Isn't these pictures proof that people love her dearly?



Farewell Cory. Your people will surely miss you.

Adsense