Tuesday, September 29, 2009

Disaster

[gallery]

These images were taken from our terrace last Saturday afternoon. I know wala ito sa kalingkingan ng nakita natin on TV. I've never seen such tragedy/calamity in my life. Hindi kami pinasok ng water sa loob hanggang bukana lang ng gate namin.



I couldn't stand looking at those people so helpless, we can only do so much - to pray and to hope that the rain would stop and for the water to subside, fast.



We just confirmed yesterday afternoon that lola B who's living with my uncle and family in Vista Verde Exec Village are safe, as well as my tita who's living in Cainta. We were so worried about them kasi nga walang communication with them. Lola B said na pinapasok nila ibang neighbors dahil awa sila at palubog na, mataas naman ang house nila at malaki so they could accommodate some neighbors. My uncle even asked their tenants if they could accommodate some neighbors as well. My tita who lives in Cainta wala na talagang house. Buti na lang talaga at nakaalis sila dun bago pa tumaas yung water. So we're trying na magayos ng ibang gamit para maibigay sa kanila.



I was worried also with Mikoy kasi they live in Bulacan and kept on updating me na mejo tumataas na ang water at pinasok na nga ang house at pati mga sasakyan. Di ko pa makontak nung Sunday dahil both Globe and Sun walang signal. Surprisingly, after lunch nakatawag na siya sa akin.



Sina mommy walang pasok til today, grabe daw ang damage sa office nila. In her 35yrs of service sa Unilever ngayon lang daw niya na-experience na mawalan sila ng pasok dahil sa ganitong situation.



It was overwhelming that many people tried to be of help in any way.. But ow, I heard from the news that some people are trying to take advantage of the situation. May nagpapanggap na soldiers/police to get relief goods then they will sell it for P30! How could they do such a thing?! I also received an email today from my officemate forwarding a certain JACQUE BERMEJO, an insensitive bitch na di kayang maki-emphatize/sympathize for her fellow Filipinos. Meron namang nagbibigay nga pero 'for the sake of may maibigay lang'. People naman, huwag naman ganun ginagawa naman nating sobrang kawawa itong mga taong ito lalo eh.






Monday, September 28, 2009

water everywhere

Ondoy you suck!^%$#@!*&   My golly, we did not expect this much water!  inabot ang shop namin, pati mga sasakyan lubog (sorry blew!)

at 5am, may water na sa harap ng bahay.  so i transferred blew sa shop kasi NEVER pang bumaha doon. at around 1pm, water started to rise.  3pm, around 3 feet na ang itinaas nya.

ang mudra ko ay nasa haus, mabuti na lang andun na si PapaJo so medyo kampante na ako. dun sila nag stay sa 2nd floor kasi leeg-deep na sa ibaba. ako naman andun sa shop nagmamando.  si tatay dun sa isang storeroom. tulong tulong kami, pati ng mga kapitbahay.  ang sarap ng feeling na parang pwede naman pala ang ganon, bat kailangan pang maghintay ng malaking baha.

yung mga kapitbahay namin na nakita kong naglalakad sa baha at walang masilungan, pinapasok ko sa shop (since medyo mataas dun).  may mga kasamang bata, matanda, at ang dala dala lang nila ay few pieces of dry clothes lang.  walang na save sa bahay nila, na hanggang bubong na ang tubig.

hindi na ako nakauwi, kasi lagpas tao na ang tubig sa harap ng haus namin. binilin ni mudra na magluto at pakainin lahat ang nandon,  kaso mo wala na kaming bigas kaya nangutang pa kami hehhe.  ulam namin ay ang staple ng baha --sardinas, noodles at itlog na nilaga.  sabi nga nun isang refugee, ang sarap naman dito may pakain pa.  sinabi ko na lang na ibi-bill ko na lang kayo paglabas nyo heheh.

all in all, thankful pa rin kami kasi safe lahat, at masuerte dahil ito lang ang inabot namin.  yung iba kasi ay hanggang ngayon ay nasa bubong pa (2 days na), samantalang ako, eto at nasa comfort na ng kwarto ko.

thank you Lord. salamat po sa blessing.  it cannot be stopped.  nanood na lang kami and went with the flow. thank you.

Thursday, September 24, 2009

Bonding

It was a long weekend last week but wasn't able to meet with Miko (too sad) Mom was confined at the hospital on Friday and was scheduled a colonoscopy last Saturday. I got excited when the doctor called me so I could watch the procedure. Mom was sedated and was "high" still when she woke up 30mins after. It was so cool!! It was like watching on TV! The doctors are really nice. Thanks to Dr. Tony Leachon, Dr. Bob Gomez and Dr. Gloria.


BTW, mom was confined because she was complaining about her stomach for 3 days already. She was diagnosed with Acute Gastritis. Maricar and Tito was with her last Friday for the check up bago sinabi ng doctors na she needs to be confined. Ako na lang nagbantay. Kasi nagulat si Maricar nung sabihin na suspected ulcer nga. Hahaha. Kasi naman di naman nalilipasan ng gutom nanay ko noh?! haha.



I brought my netbook with me so I could watch Legend of the Seeker and Big Bang Theory (which I finished watching) Couldn't stopped watching them...esp BBT so hilarious. I love them all esp when Sheldon and Penny are fighting or Leonard is pissed off with Sheldon haha.


Ok back to  mommy, she was released from the hospital that Saturday afternoon and when we got home nagpahinga lang konti then drove her to SMSL with deza. Nag grocery sila ni Klang then Deza and I went to WOF para maglaro.


The next day, Mom, Klang, Maricar and I went to Trinoma to watch. Libre lang iyon from Citibank. Nagdagdag na lang kami. I did not plan (well WE since I talked to mom that I will not bring a car) tapos sabi ng kapatid ko 'ate ako na pipili ng taxi para malamig'


Eto na... napakalamig ng taxi na nakuha niya! Pagdating namin ng Trinoma kulang na lang lumuhod ako para magpasalamat at nakalabas na kami dun sa impyernong taxi na yun! Na-lechon kaming lahat nak ng teteng!



After the movie (which is very nice: IN MY LIFE) they went to LandMark. Wasn't even planning to shop wala sa itinerary ko. I was looking for something. Sabi ko kay mommy maghiwa-hiwalay na lang kami para magawa namin ung mga gusto namin. Magkita na lang kami sa isang place. So I went to Hobbes and Landes then to Toys R Us. Was looking for a SMART CAR for Mikoy. I was pissed off with the girl assisting me.


me: miss, do you have a smart car?


staff turned around and called on someone else


staff: meron ba tayong smart carD?


me: miss smart CAR hindi CARD, kotse ung hinahanap ko


staff sort of surprised. wondering what it is probably.


me: European car, small lang siya 2 door usually red, parang ECHO car dito sa atin. do you have one?


staff: ano pong brand?


me: im not particular wid the brand as long as it is a smart car.


staff tried looking around in circles na parang tanga lang.


staff: ma'm anong itsura ba nun? anong brand?


I am starting to turn red kasi naiinis na ako sa kanya dahil pinasa-pasa niya ako sa iba tapos pagbalik sa kanya laging kung anong brand ang tinatanong niya at unang sagot niya kasi sa akin eh wala without even trying to look first.


me: do you really have an idea of what a smart car is?!


staff just staring me pointblank.


me:... well it seems no, if you are not sure if you have one just say 'wait im gonna check' but please dont tell me you have none when in fact you are not sure and you haven't tried looking and asking your colleagues for one...


then i turned around.


Para magpalamig ng ulo, went to TIMEZONE alone. played basketball, daytona and Time Crisis.

C2

we o

C2 stands for Classic Cuisine and it is located at the G/F of Midtown Wing in Robinsons Place, Ermita near UCC Cafe.


Since its our 'debut' this is sort of a celeb hehe. We're not craving for anything so we headed to this since Mikooy haven't tried eating in this resto. Ordered Kare-Kareng baka which is so thick (they use peanut butter instead of the giniling na mani which I like better), Pandan Ice Tea which is quite refreshing especially with more ice, Binagoongang Lechon Kawali which is quite salty but nevertheless tasted good.


Was trying to connect to the wifi at that time so I could show the resort I was telling Mikoy earlier that evening. Poracay Resort  hahahaha. Funny lang syempre its in Porac, Pampanga tapos ginaya pangalan ng Boracay haha.


Anyways, thanks for the bouquet of roses babe. So beautiful! I love you. Happy 18th.

sucree


We've been eating at Sucree for several times now but never had the chance to taste their dessert. But recently, we did. We actually ordered it (Cheesecake) ahead of time so we won't have any reasons not to have dessert... We usually skip this because we always end up so full hehe.


Chicken Cordon Bleu is one of our faves here. Last time, Mikoy tried their Chix Ala King. SOOO BIG! But dahil ayaw niyang nagtitira ng pagkain, inubos kahit siguro nasusuka na siya hahaha.

alitaptap

nung sabado, nag overnyt kami sa pampanga para manood ng mga alitaptap.



tuwang-tuwa si nanay at bina, parang mga bata na nagtuturo pag may nakikita. nakaka aliw nga naman, lalo na nang parang nagpapakitang gilas pa sila habang lumilipad sa puno ng acacia.

kitang-kita sila kasi madilim sa bukid.  wala pa man ding buwan.  parang krismas lights na apple green lang ang kulay, kumukutitap talaga.  gusto ko ngang mag uwi, kaso mamamatay naman sila pag inalis sila sa habitat nila.

accdg sa chismis,  ang mga alitaptap daw ay mga diwata (faeries).  kaya nga siguro may tinkerbell.

Tuesday, September 15, 2009

Pampalipas Oras



Plants vs Zombies (day and nite)


AVATAR:The Last Airbender




well etong 2 lang naman ang pinagkakaabalahan ko lately... Natapos ko na sa wakas last weekend un PvZ...hahaha. Pati kapatid ko naloka din dito. Tinext pa nga ako kahapon sa meeting namin kung pano patayin yung isang zombie sa isang level.  Masaya ito pramis!



I've finished watching AVATAR also last weekend. All 3 seasons. Na-addict nga ako kasi napapanaginipan  ko na sila...hehe. This will be shown in theatres by 2010 directed by M.Night Shyamalan.



Now, I'm watching Legend of the Seeker. Gwapo ng lead character dito na si RICHARD. hahahha.



josko...katawan ba ito? hehe...

Sunday, September 13, 2009

T.G.I.Free


kawawa naman si sam the whole week gutom, kaya fridays ang aming binge day.  at eto nga mega binge kami harharhar.



Nakita ko sa facebook nya ang promo mg TGIF na free porkchop kaya dun kami kumain (syempre mahilig ako sa promo e)




[caption id="" align="aligncenter" width="217" caption="pls print and present before ordering. till 15 sept lang to!"][/caption]





[caption id="" align="aligncenter" width="221" caption="poteto soup at nacho"][/caption]


you need to order two of their P255 meals, na eto nga ang kasama-- yung entree + soup + coke + nacho.  o d ba bonga?


Inperness,  ndi ako mahilig sa soup pero nagustuhan ko ito.  kaso lang may factory yata sila ng asin kaya ang alat ng nachos namin.




[caption id="" align="aligncenter" width="221" caption="fish something na walang 'spicy' sa title"][/caption]


ok sana to kaso may taniman din yata sila ng sili kaya ang anghang.  na take-out tuloy sya.




[caption id="" align="aligncenter" width="221" caption="eto ang free namin"][/caption]


kalasa rin sya ng pacific porkchop yata un, kaso mga half lang ang thickness nya.  pde na rin kasi libre lang naman magre reklamo pa ba kami.




sulit kung ribs ang o orderin mo. masarap sya at malaki rin ang serving. mura na sa P255 meal.


sa lahat ng nakain namin, namin is P599 (syempre may service charge), pero keri na d ba.


Ok pa rin ang service nila, pati ang aming serbadora na si kleng (kilileng), todo attentive, kulang na lang yata subuan kami e.  akala yata malaki kami mag tip bwahahhaha



kaso mo, second time na namin na nakakita ng baby ipis dito. eto namang si sam,  takot na takot,  pero sa anacoda... deadma.  mas may saltik pa to sa ken e heheh






[caption id="" align="aligncenter" width="304" caption="with baby anaconda wahahha"]with baby anaconda wahahha[/caption]

ka artehan

had facial this afternoon after mga 2 months siguro.  ang daming naani na black and white heads, winner na sana kung farmville at farm pals lang yon hehhe.

[caption id="" align="alignnone" width="384" caption="this was taken mga 3yrs ago, iba pa ang procedure nila kaya smiling face ako jan kahit mukha akong multo"]this was taken mga 3yrs ago, iba pa ang procedure nila kaya smiling face ako jan[/caption]

[caption id="" align="alignnone" width="323" caption="here's the latest... mukha akong mummy hehehe"]heres the latest... mukha akong mummy hehehe[/caption]

sa dermstrata yan.  magaan ang kamay ng pesyal-ist ko... si cristy!  hindi ko na kasi afford si doc annie!

one more time kimi

well sa sobrang nagustuhan namin ang movie, we watched again kagabi.  hagalpak parin kami sa tawa, at syet naiiyak pa rin ako huhuhu



eto nga nagpa picture pa ako kasama ang kambal sa kyeme, kaso itong si sam ikinihihiya na naman ang pagiging mongoloid ko, ayan tuloy malabo ang kuha hhahah.

at since twice na kaming nanood, pede na siguro kaming bumili ng dibidi dibidi no heheh

Monday, September 7, 2009

kimidora na!



funny hahaha funny hahaha funny hahaha

really a must see Kimmydora movie super hagapak, syet naluluha talga ako kakatawa.  lalo na dun sa scene na papalit palit si kimi at dora wahahhaha talga!

ang galing galing mo simang!. BOW!

Sana magka part 2 na agad ito!  pls pls naman panuorin nyo ang pelikula ng idol ko!

Sunday, September 6, 2009

pix post-mistress' bday



at brookly pizza, with mama evs, mistress



Wow dami foodie!

(clockwise): rica, grasya, chelle, mikoy, evie, tina



mga tourist, at mcdo tobias

i will repeat it again once more for the second time around

somebody stole my hotdog!

My post is a rarity because of facebook waaaa.  And my rare hotdog post was stolen! (who ate my hotdog???!)

So I'm re-posting my latest 'craz(v)e':  Jolly Chili Dog



lalong sumarap ang jolly hotdog.  malutong(?) na ang balat at hindi na 'soggy' tulad dati.  chili has the right anhang-ness.  downside:  laging have to wait for 5-7 mins.  can't they stock?

another plus:  it's for FREE!  Courtesy of BPI Credit card. Minimum purchase of P1000 gives you free hotdog or ice craze.   yeyy!!

zagu date



jamocha baby extra sago.

kabisado na ng cashier ang order ko.   belatedly (actually 10 yrs after the zagu fad), ngayon pa lang ako na a-addict sa zagu.  I liked the kunat-ness of the sago,  kaya nga yung smallest size ang order ko with extra pearl e.

my malling is now not complete without this, and i think i gained 10lbs from my daily z-fix hehehe.

surprise party for mistress



Here's the only pix we got from mistress' bday.  we didn't have a camera, and so we were at the mercy of the ones who have.  they are now sooo busy to give us a copy!!! waaa

in the pic are frends from mcdo

Thursday, September 3, 2009

Ito ang araw mo!

I posted previously an article of Quiros na binabatikos si GMA. Ngayon iba naman ang pinuntirya niya, si Mar Roxas at iba pang aspiring Presidents...



Well nagkamali ka dahil ikaw naman babalikan ko... dahil sa sinulat mo napaiyak mo si Koring na love ko hahaha. Bwiset ka wala ka talagang magawa noh?! Manahimik ka na...Pinanganak ka lang ba para sumulat ng kung anu2 sa mga tao sa paligid mo?! Manahimik ka na kundi papatahimikin kita hahahhaa!



****


Seriously, ayaw ko naman tumakbo si Noynoy "nganga" Aquino. Wala pa siyang napapatunayan eh, kung respect ang paguusapan madami ang pamilya nila niyan pero ung boto ng mga tao...well sana nga kung tatakbo ka eh panindigan ka ng mga tao sa paligid mo na nagpu-push sa iyong tumakbo. Sabi nga ni Mikoy, FAD lang yan. We love CORY alright but siya iyon eh iba naman kasi naging epekto niya sa tao, iba si Noy? Ano bang nagawa niya? Enlighten me pls. hehe.



Ayun lang. Bow.


****


Bongga kahapon dahil sa balita kay Chavit Singson. hahaha. He's funny. Isasama daw sa Guiness ang pototoy ng lalaki dahil mga 2inches lang daw hahhaha. Kasi naman itong babae, Che ba name? Hindi nagtanda at ang lakas ng loob ah...Si Chavit? Girl you're not thinking!


Kung tutuusin bakit ba tayo sa society kapag ang babae nagloko parang ansama-sama na? Pero kapag ang lalaki ang nagloko parang di ganun katindi ang epekto sa inyo? UNFAIR hahahaa.




Adsense