Monday, November 23, 2009

Wondering why Mermaid is the logo of Starbucks?

The new logo


The old logo

I was asking Mikoy before why SB chose mermaid as the logo? Asked Mr. Google and here's what I found:

Starbucks is a company, which is well known throughout the globe. Known mostly for their coffee, the Starbucks brand The Starbucks logo shows a green band with two stars and a crowned Siren in the center of the logo. It is haunting yet attractive and recognized throughout the world, and provides an excellent lesson in logo design.


Brief History of Starbucks Logo


Designed by Terry Heckler of Heckler Associates, the iconic mermaid that beckons coffee drinkers was based of a classic 15th century Norse woodcut of the mythical siren. The hardy yet feminine look was perfect for the Pacific Northwest local. Evoking the local lumber industry’s history in the area coupled with an inviting face, the logo was a perfect fit

However, the finely crafted corporate identity soon faced challenges. How do you place a bare breasted siren on the side of a truck? Modify! Eventually, the siren’s hair was lowered to cover the bare-chested icon. Then the suggestive pose of the mermaid, posed a unique branding challenge during Starbucks rapid expansion. What had seemed a clever and folksy design in Seattle was considered risqué in other parts of the country? Modify Again! Soon, the offending pose was slightly altered, and then eventually the pose completely obscured.


Evolution of new redesigned Starbucks logo

The current Starbucks logo that the world knows today now focuses on the warm and inviting face of the mermaid, rather than her body. The iconic cigar band outline remains, framing one of the most famous corporate identities in the world. The story of the Heckler Associates modification and re imagination of each subsequent logo design is necessary for anyone interested in logos and branding.




MELASON Tandem :)

I really, really LOVE these two....

Wasn't able to watch their performance in ASAP last Sunday (but they were performing inside the confession room) so searched for it in Youtube. Kinilig ako promise hahaha

Watch them here:

The Classic


Note: Please allow 30 days for search results.. hahaha THE BEST!!


Thursday, November 19, 2009

awww hafeee why did u not book us?!?!

sayang, mag treat pa naman ako sa power puff girls (AKA bellstar dancers hehhhe)

well, sabi ko nga ke sammie lagot ka pag naniwala sila, wala kang gift sa pasko hehheh


***

advance happy ninos innocentes guys!


***

seriously, masyado kong nagustuhan ang buffet ng marriot. Una sa lahat, mura! mahilig kasi ako sa promo, so tingin ko talga sulit ito. pero dahil fully-booked na silatill the end of their promo, mukhang hindi na ko makakabalik dito. hindi ko na keri mag pay ng full price kung d rin naman doble kakainin ko!

sekand, nagustuhan ko talga yung roast beef nila (kasi eto lang naman talga ang ino order ko kahet saan -- o ung mga kamag anak nya). kahet eto lang kainin nyo, panalo na!

terd, like ko rin ang kiwi sa fruits nila. well wish ko sana cherries (dream on!). first time kong nakatikim don at na inlab ako ule heheh. syet minsan naka 8 yata ako hahaha.

well, the buffet is highly recommended ( esp kung willing kung mag lustay ng salapi). free ang tea at kopi na illy pa.

***

Tuesday, November 17, 2009

Ribs and Destiny

I just wanna share the homily shared by the priest during Char's wedding last weekend.

Basta daw ang lesson ikaw ay isang rib na nawawala. Kailangan mo mahanap kung kaninong tadyang ka hinugot. At need mo emphazize na nag-iisa ka lang rib niya na nawawala. Hindi siya puwedeng maghanap pa ng ibang ribs dahil spareribs na daw tawag dun :)


nice.....

Congrats Char and Dar :)

Coron Adventures - Part III

Day 3 - (14Nov)


Di na ako makabangon pero sayang naman di ba kung di ko pa susulitin itong huling araw ng tour. Gusto ko pa naman makita yung mga ship wrecks at yung Coral Garden so kahit mahirap tumayo sige pa rin. Medyo malayo ang boat trip. Started with one of the wrecks. Malabo sa ilalim kasi malalim.

Tapos diretso kami s Calomboyan Island to have lunch. Medyo umulan ng konti kaya sumilong kami pero after that labas na rin ulit. May konting current kaya hirap lumangoy. Umidlip kami sa isang area ng island ni Mikoy tapos nagstay kami sa may shore para magpakain sa maliliit na isda. Maligaya na siya sa ganun. Di naman kasi lumalangoy kainis (ako lang tuloy ang maitim hehe)

Mga 2pm diretso na kami sa Coral Garden. I enjoyed snorkeling here kasi literal na may garden sa ilalim! Dito saw Nemo again na adult na at ang ganda talaga ng color niya! Nagpapahila na ako sa guide namin kasi pagod na ang katawan ko kakalangoy pero dahil kapag nakakita ako ng tubig keber kung anong nararamdaman ko talon pa din ng talon. Yung kasama ko eh nasa boat lang at nanginginain ng mga tinapay at baon namin na para sa mga isda hehe. Kapag nakakakita ako ng mga sea urchins, I panic, really! Kahit na kayang tapakan ng fins yun ayaw ko pa din, kakatakot kasi itsura eh. Lalo na kapag parang nakikita mo yung red eyes...eeeewww scary!

Yung fish family ko naman eh kapag nakikita ko lalo na yung blue ones and parrot fish napapangiti talaga ako underwater at take note kinakawayan ko pa hahaha.

Nang medyo napagod na ako kakaikot eh umahon na rin ako. Sabi ko punta na kami sa isang ship wreck pa. This time medyo mababaw lang ung wreck kaya kahit nasa boat lang si Mikoy nakita niya pa rin. Dove to see the whole ship. Medyo malabo yung kuha namin dito eh.

Sabi ni Jason (our tour guide) secretly dadalhin daw niya kami sa hidden hot spring behind the mangroves. Sabi ko sige ikaw ang bahala.

Maliit lang ung spring pero mainit nga siyang talaga although not as hot as Maquinit. Kakatuwa iyong little boy na Brit na kasama namin kasi kumakanta siya ng 'Maligayang Bati' with a twang of course :)

Didn't stay long, headed back to the port. Paguwi naligo agad then pahinga muna. Nag-alarm na lang kami for dinner. After kumain, naglakad kami papuntang market na 5-10mins walk lang from village lodge. Di na kami naginternet kasi talagang pagod na. Tutal for 2 days naman daw ang sinalang niya the night before.

Inayos ko na ang gamit namin for the next day para toiletries na lang ang idadagdag namin.

Di dumating iyong inorder naming crabs na iuuwi sana namin sa Manila. Hindi na namin binili iyung shrimps kasi mahal at tinamad na rin kasi kami.

*****

Last day namin, after we had breakfast, diretso kami ng airport. May umupo sa likod namin sa waiting area na foreigner ang BAHO! Sabi ni Mikoy lipat kami. Pagkalipat namin, may pumalit naman na isang grupo ng foreigners din na parang bagong gising lang din at mabaho din :)


Hayy... Manila. Manny Paquiao won daw. Congrats Krista este Manny hehe!

Coron Adventures - Part II

Day 2 - (13Nov)

After breakfast, went straight to the Twin Lagoon. Dito namin na-discover na brackish ang waters sa area. Dito daw sa lagoon 70% saltwater at 30% freshwater. Wasn't able to get a good picture underwater dahil kapag gumalaw ka, ung water lumalabo talaga. Ung tubig parang may mantika although di naman malagkit alam niyo un? May part na mainit then malamig. You have to swim in between rocks (pa high tide na kaya di na pwde dumaan ang boat) to get through the other lagoon. This lagoon for me is not that good compared to the twin lagoons I saw in El Nido 2yrs ago.

Punta naman kami ng Caliwantay Beach then dun na rin kami nag lunch. Medyo nagtagal kami dito kasi maaga pa naman. Lumayo kami ni Mikoy dun sa isang group (ung nakasabay naming big group sa plane) dahil napaka ingay. Well they're just enjoying probably pero kainis kasi nung nasa plane walang tigil sa pagtayo at pagtake ng pics nababangga na yung seat. Inconsiderate. Anyways, nauna kaming umalis sa kanila.

Off we go to Kayangan Lake na pinaakyat ulit kami ng mga 120+ steps to get to the other side. Sa loob-loob ko (kelan kaya matatapos itong trekking namin? hehe) But then again, kung ganung kagandang view naman ang matatanaw mo why not?! Dito yung sinasabi kong pinagmamalaki nilang mga rock formations underwater.

Next on the itinerary is Siete Pecados (7 islands) Dito di rin masyado nagtagal kasi bumibigay na ako. Sakit na ng dibdib ko kakaubo at sinisipon pa ako kaya di ko rin kayang magtagal underwater. Nakakapagod kaya lumangoy. Since hindi naman ako isda (I am a mermaid) eh napapagod din ako noh.

Ang dami kong nakitang Nemo!!! Sabi ni Mikoy kaya ba Nemo kasi from aNEMOne?

Me: No, its actually clown fish. Nemo is from the Pixar movie Finding Nemo.

hehe.

So after dinner, naglakad-lakad muna kami. Safe naman daw maglakad doon.

Kahit paika-ika lakad lang. Saw a plaza na may ginagawang Christmas Tree (na sobrang bagal ata ng paggawa dahil nung 3rd day namin at nadaanan namin 2nd layer pa lang ng tree ang gawa) Nywei, saw Kayangan Grill Station.

Mikoy: pasok tayo tignan natin.
Me: sige para maka-wiwi na rin ako.

Maganda yung ambiance ng place, cozy. Nakita namin doon yung katabi namin sa lodge. Ang mga 'powerpuff girls' 3 girls sila obviously at isa dun crush ko yung pinakamaarte haha. Syempre since puro B ang umpisa ng names ng PPG, ginawan din namin sila ng mga codenames that starts with the letter B (si Butanding - the 'big boned lady', si butiki - dahil payatot at si blemishes - ung crush ko dahil parang may blemishes daw accdg to Mikoy) hahaha.

Ordered frozen margarita for me, iced tea for Mikoy, Crispy Kangkong and leche flan. Wala lang trip lang namin talaga.

Before heading back to the room, nag -internet si Mikoy, waited lang outside kasi di ko na kaya at mainit sa loob eh. Mga 930pm balik na kami dahil PBB na :)

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz....

Coron Adventures

Coron - DAY 1 (12Nov)

Arrived in Coron at 12pm. Checked in at CORON VILLAGE LODGE owned by Ms. BEC Fernandez. Had late lunch of Sinigang na baboy, 3 grilled tanguige and iced tea at isang planggana ata ng kanin haha. Went back to the room to unpack our things and nap. 4pm pa naman ang climb sa Mt. Tapyas. 30mins before our sked time, somebody knocked kala ko nga nananaginip ako. So Mikoy checked kung sino na pupungas-pungas pa.

Boyet: Ma'm, Ser, ready na po ba kayo?
Mikoy: Huh di ba 4 p?
Boyet: Ser, Ma'm para po maaga din tayo makababa.
Mikoy: Ok magayos lang kami.

hahaha, nawala ang antok ko. Tawa na ako ng tawa kasi kinwento ni Mikoy iyong itsura nung lalaking kausap niya. Parang lost. Di malaman kung ano sasabihin haha. Kasi sinisilip lang niya si Mikoy dahil nakatago lang sa likod ng pinto at naka-sando.

So ayun nga nag-shower lang sandali then went up Mt. Tapyas. Nung nakita ko nga iyong papanikan namin, sabi ko sa guide namin.

Me: Kuya, gano kataas iyan?
Boyet: Mga 720+ steps po Ma'm.
Me: ANO! Susmio wala pa nga ako sa ulirat eh.




So inumpisahan na ang pag-akyat. Grabe hindi biro ang ginawa naming iyon. Ilang beses din kaming nagpahinga. Siyempre kasama na dun ang mga pic-taking hehe. When we reached the top, ang ganda-ganda! Tagaktak talaga ang pawis. Sayang ang ligo namin. Sandali lang din naman kami nag-stay sa taas, baba rin kami agad then dumaan sa lodge to get towels then diretso na sa Maquinit Hot Spring.

Uhmm di ko kaya ang init dito kaya di rin kami masyado nagtagal. Malumot pa. EEwww..hehe.

Pagbalik sa lodge, nagbanlaw then dinner na. Nagulat kami sa dinner kasi ang dami! Chopseuy at Spicy Crabs lang naman. At ang mga alimango di talangka ha? Talagang alimango! Burp Burp!

Nag-internet kami para makapagluto (Cafe World) and check some emails. Then off to the room na rin dahil manonood pa ng PBB hahaha.





Mistress

As promised (to Mikoy), need to post this one haha

Mikoy texted me awhile ago inis na inis kay Krista Ranillo dahil ang kapal daw ng mukha. Talagang pinangangalandakan pa niya sa lahat na she's the "other woman" of our recent boxing champ, Manny Paquiao.

Kung di ba naman makapal sumama pa talaga sa Vegas itong babaeng ito to think na aware naman siya siguro na pupunta ang ASAWA. Di ba siya nahihiya nun?! Malamang hindi kasi gusto nga daw magpaanak noh?

Nakakatawa yung driver ng taxi na sinakyan namin last Sunday ni Mikoy from the airport. Nagkuwento siya tungkol sa narinig niya sa radyo na sinabi ni Lolit Solis. Kuwento niya pinagtaguan daw ni MP si Ara Mina (the former woman of MP). Nanghihingi ata ng suporta itong si babae dahil tatakbo sa QC. Since di siya sinasagot sa phone at mga texts, pinuntahan sa Baguio pa ata ito. Hinarang siya ng mga bodyguards at kesyo pagod daw at nagte-training. Di naniwala ang hitad kaya dumiretso sa kuwarto at kumatok. Ang nagbukas lang naman eh ang "young" mistress na si KR.

AM: kaya naman pala?!
KR: so what?! anong magagawa ko eh matanda ka na, mas bata at mas sexy ako?!


hahaha. talbog!

Ang haba ng bigote mo pareng Manny!

Ang nakalagay pa nga daw sa FB account ni KR eh 'In A Relationship' with MP! O kaya niyo yun?!

Hay naku Jinkee kung ako sa iyo susugurin ko si KR or magpatutsada ka ng "subtle comments" kapag may interview ka. Sabi nga ni Mommy D, "ikaw ang REYNA!" Gamitin mo ang karapatan mo ineng. Huwag kang patalo diyan sa babaeng linta hahaha.

Kayo ba naniniwalang mahal niya ang pambansang kamao???!!! Utang na loob!

Isa pa rin namang makapal itong tatay niya dahil di man lang pagbawalan ang anak (siya pa ata nagbubugaw para maambunan ng pera)

Oh well... o ayan babe masaya ka na dapat hahaha.

Another Meteor Shower


Try looking at the night sky on the eve of 17Nov you will see a meteor shower and if you are lucky, a meteor storm. A meteor storm is said to be 1,000 or more meteors per hour.

Radiating from constellation Leo, the Leonids meteor shower occurs annually at this time of the year when the Earth passes through streams of debris left behind by the Tempel-Tuttle comet centuries ago.


Sunday, November 15, 2009

And So We're Back!

...from outer space hehe. No, from Coron of course. Had a blast kahit until now my dry cough is killing me parang hinihika na nga ata ako. BUT I am not complaining! I enjoyed every second of my stay in Coron. Last Saturday, we dove 2 ship wrecks, visited a mini hot spring hidden behind the mangroves. Well it wasn't part of our itinerary but our guide was very nice to let us see that spring. Parang may magic door kasi you won't see it from afar. If you are not aware that there is one right there, you will miss that spot.

Our legs are still aching from that climb up Mt. Tapyas and the 170+ steps to Kayangan Lake. In Kayangan, you just have to snorkel around the lake (on the sides) It was like there's a kingdom underwater. All you can see are beautiful rock formations. You just have to be careful while swimming or hitting these rocks because most of them are "spiky" hehe. There was a small cave hidden (again) in between the rocks above the water but didn't attempt to go through it. I am not sure of it.

Do not expect fishes although there are some small ones only on the corners and some small shrimps. I took a pic of some small pointed fishes on my hands but will post it once we're done uploading.

grrr... I forgot where we went after Kayangan Lake...I'm still tired. I'll promise to post a more meaningful one next time.

Anyway, I was not fetched from the airport, so Mikoy and I had a late buffet lunch at Resort World Hotel. It was our first time here and will not come back. Food is not extraordinary.

****
This I am posting out of context: "We may apart but never in my heart" HAHAHA.. Saw this from one of the people in my network at FB and couldn't get over it. hahaha.

Friday, November 13, 2009

all sored (soared) up

After the mt. tapyas climb, we are still experiencing rayuma. well, dunno if it's old age or the lack of exercise, but our kasukasuans suck.

We barely got out of the bed this morning. and saket talga heheh. lintik na tapyas yon kung sino man sya harharhar.

so today, we went island hopping. enjoy naman lalo na si sammie, syempre she was able to see her 'other family', ang mga isda sa ocean. nakakatuwa sila when I was feeding them (kasi sam dove to see the corals), i was left on the boat para magbantay ehhehe. Sarap na sarap sila sa tinapay (pati ako!). ayoko na nga sana silang bigyan e heheh.

that's all for now kasi mag CW pa ko heheh

(pix to be posted pagbalik namin sa manila)

Thursday, November 12, 2009

Delayed flight

We were advised that we're going to have a delayed flight this morning. Got a text from Mikoy last night that instead of the 945 flight its going to be 1045. So left the house at 8. Nakakatuwa noh, they do call, text and email their clients to make sure that they'll be informed. In fairness hehe. BUT as Mikoy said, kasi sila lang naman ang madalas nade-delay ang flights, never experienced it from other airlines :)

Maliit lang yung plane namin, 40-seater lang siya. Merong 34 passengers na magkakasama kaya ang gulo-gulo sa plane. Well, igalang ang matatanda hahaha dahil yung iba eh ngayon lang daw nakasakay ng airplane.

Since GO LITE lang naman kami never had to wait for our luggages, headed outside to meet our guide.

Rested, well actually took a nap first before heading to Mt Tapyas.

Brackish!

We're here in CORON!!! yey...

Well, kanina while skinny-dippin' in the hot spring (chika lang!), naalala ko lang ang word na to. Brackish kasi ang water, unlike that of Pansol na fresh water lang.

Brackish kasi... there was a day na na encounter ko to twice sa TV, and on both occassion, di-nefine (it was defined) by the hosts. Brackish as being a mixture of sea and fresh water.

So remember kids, when using the word brackish... define it. heheh

***

Sam will be posting the other chivas for the day. It's fun so far (!!!) !!!

CoroN Getaway

It's our first day here in Coron. We're staying at Coron Village Lodge. We just had dinner - sweet and spicy alimango, mushroom soup and chopsuey. We went hiking at Mt. Tapyas




This is one of the things that you should do when you visit oron. Although tiring but twas worth it when you reach the top. The view is spectacular! Mga ilang beses din kaming nagpahinga dahil sobrang nakakahingal kaya. 720 steps I think! Going down is easier than going up. Stayed for awhile and took pictures. Got a pic of what they said the gentle giant. Will post pics next time.

After that, went back to the lodge to get our towels and headed to Maquinit Hot Spring.


Have to test the waters first before plunging because its 40 degrees C! Quite 'malumot' in some areas but its a great feeling after all the pawis and pagod sa pagakyat sa Mt Tapyas. Our guide said the mountain got its name from the bomb that hit the mountains before.




Wednesday, November 11, 2009

Surprise surprise!!

Have a new layout c/o a good friend, chid...thanks thanks to you dear friend for doing the new layout... love it!!!!!

so excited for our Coron trip tomorrow...isang tulog na lang!!!

But Im sad because last night found out that my aquarium has a crack :( I transferred my fishes first in my fish bowl then will check later if my aquarium is ok... di pa siya kasama sa budget ko eh :( although Im planning to give them a new "home" this Christmas but not this soon :( waaahhh!!!! Sana when i get back from Coron, they're still alive. di bale magtakas ako ng isda from Palawan iuwi ko dito sa Manila hehehe. As if! Kung malapit lang byahe at di plane baka magawa ko tlaga...jellyfishes nga from Hundred Islands nagawa kong iuwi eh...

ayun lang..... pictures and kwento when I get back next week :)

Adsense