Thursday, February 18, 2010

happy 2nd anniversary!

Hehe hindi po 18 ang official date namin...Eto ang date nung unang araw kaming nag-chat at nagkulitan....at nagkainlaban. yihiii!!!

Wala akong masabi hihi. Nakita ko lang kasi sa PC yung chat naming yon syempre nagreminisce na ako.

Sunday, February 14, 2010

Masayang Puso!





Mikoy sent a bouquet in the office early, yesterday! I was surprised to see the flowers on my table after my meeting, my officemate received it for me awww... Ganda-ganda noh?hihi... Now I have something to post on my wall again. Last year, my cube was full of my flowers. I threw them away last year before vacation, not that I'm not giving importance to them, its just that its not healthy anymore... may mga insekto nang umaaligid hahaha... At para ma-pressure yung iba diyan na punuin ulit yon hahaha!

I got the card when Mikoy fetched me in the afternoon. Muntik ako hikain kakatawa dahil sa drawing niya. hahaha! Grabe napaka-artistic! Dinrowing niya kaming 2. Ako naka mini skirt at labas ang cleavage. Dun ako natawa kasi yung drawing niya para akong nakapatadyong at pop sleeves. Tama ba spelling ko? hahaha!

Today, we had a date. Just had fun in QC then had cofi at SB Timog. Sort of reminisced the first time we went here. Nabasa ata binabalak ko - na susulatan ko siya ulit sa tissue just like I did the first time we went out.

Fr Mikoy:

Mahal ko,

Remember the first time we're here? 'Twas almost two years ago... and I didn't expect I would fall for you.

But look at us now, back to the same place, but now madly in love with each other :))

This place will always be special to me...because it gave me "YOU."

I love you! Happy Valentine's Baby!




Sunday, February 7, 2010

Sad naman ako kagabi





L%$#@!&*! na mga korean movies to! Pinaiyak na naman ako kagabi huhuhu

A Moment To Remember starring hindi ko alam kung sino. Hayyy nakaklungkot huhuhuhu

Well bumili kasi ako ng pirata dibidi ng mga korean movies na 38-in-1. So far, sa 7 pa lang na napapanood ko e nagustuhan ko naman.

Nakakatawa kasi kahit na in Korean sya at may subtitle, nilalakasan ko pa talaga ang tokis, akala mo naman maiintindihan ko hahaha. Kaya tuloy minsan, kaya ko na korea-ianin si sammie pag niloloko ko sya e. Opahhhh (pero kuya yata ibig sabihin neto), anonseyo? hahahha



Nagsimula lang ako ng pinanood ko yong Coffee Prince sa Ch 7. Pero hindi pa rin ako naging fan ng korean chuchu, thou napanood ko noon yong original My Sassy Girl, na para akong lukring na sabay tumatawa at umiiyak.

tapos eto, buy ako ng 3rd korean dvd ko (yung 2 ok den, lalo yung bida sa My Sassy Girl na lalaki hehe). Nakakatuwa yung mga Korean na movies at novela, kasi yung mga bida gumaganda at pumopogi sa katagalan, tapos minsan naman yung lalaki mas maganda pa sa babae hahhah




Saturday, February 6, 2010

Happy ako this V day =)

Since malapit na ang araw ng mga puso magsusulat ako ng isang post na “may puso” :)

Ano pa nga ba ang magandang isulat eh di personal experience di ba? So ikukuwento ko ang love story namin ni Mikoy yihiii!!!! Noong isang beses nabanggit ko sa kanya na parang di na ako masyado kinikilig. Pero sa totoo lang meron pa rin binibiro ko lang siya, lalo na kapag naaalala ko yung first meeting namin, nung dinalhan niya ako ng cake a day before my birthday ung mga ganun hehe. Ayan nanginigiti na naman ako.

Pinakilala lang sa akin si Mikoy ng common friend namin na nakausap ko sa ym weeks before kami magusap ni Mikoy. Kamustahan lang then parang natanong niya kung may bago ako sabi ko wala. Niloko ko siya na baka may ipapakilala siya sa akin. Naaalala niya si Mikoy na nakausap niya rin ata before kami magusap at sabi nga heartbroken.

Me: patingin ng picture

Bg: meron sa friendster ko

Me: eh di puwede dito sa office eh send mo na lang picture sa email ko.

Bg: sige

So nakita ko na ang mukha ng loko.. hehe sabi ko sa sarili ko ‘cute siya pero di naman ako magugustuhan nito feeling ko magaganda mga nagugustuhan nito or mga nagiging gf's nito.

So naglaho ang pangarap kong maging kami hahaha.

Bg: o tinext ko na binigay ko number mo pero nasa Bangkok ata kaya pagbalik na lang niya kayo makakapagusap

Me: ok sige thanks.

So pagbalik niya from the trip nagtext na kami. Nakapag chat na rin kami at naka webcam pa kaya ko na-discover na ‘iyakin’ pala siya hahaha, Bakit nga ba? I was asking ata about the ex gf tapos ayun naiyak na siya. Grabe inabot kami ng 2am nun! Pero nung umpisa pa lang may kakaibang ngiti na ako lalo na kapag nakaka receive ako ng text msg from her.

Finally, nagkita kami for the first time March 1 of 2008. We decided to meet at SMSL. Kakahiya kasi late ako dumating ng ilang minutes lang naman kasi naman unpredictable ang traffic sa Tayuman noh? So parang sabi ko ata I was wearing yellow and pants then binilhan ko pa siya ng Go Nuts Donut and water dahil isip ko galing pa ito ng Bulacan. Naks sweet! hehe.Tinext niya ako kung ano ang sasakyan niya at plate number niya so nung makita ko from afar parating yung kotse niya anlakas ng tibok ng dibdib ko tug tug tug tug..hahaha. syempre mixed emotions – kilig na excited na kinakabahan baka rapist hahahhaa.

So pag-open ko ng passenger door ngumiti ako and I said ‘Hi’ (lantod!) tapos ayun cute niya kasi nakita ko maliliit niyang dimples parang kay Mikee Cojuangco. Ayun gave her the donuts ‘sweet mo naman’ ‘ ganun talaga kahiya naman kasi sa iyo dahil layo pa ng pinanggalingan mo.’ Deep inside sobrang kilig na ako nun tapos sinusubuan ko na siya hehe.

Pagdating namin sa Trinoma on the way sa parking

Mikoy: san mo gusto kumain?

Me: ikaw?

Mikoy: gusto mo bbq tayo?

Me: sige, yung sa inyo?

Mikoy: huh sigurado ka? Tapos isama natin si BG?

Me: oo sige lang para matikman ko naman yung pinagmamalaki mong bbq nyo

Kung tutuusin pare-pareho lang naman lasa ng mga pagkain di ba? Parang may mga dagdag or nabawas lang na sangkap kaya nagkakakaiba-iba. Pero since masasarapan ka sa lasa dahil sa kasama mong kakain eh bonus yon! :)

Pagdating namin ng Bulacan, sinundo namin si BG na first time ko lang din makikita (at cross fingers talaga ako nun na di ko makita ang kamag-anak niyang nakikipag text din sa akin dahil sobrang kulit at ma-drama) hahaha.

Gulat si Bg dahil magkasama kami hehe. Ayun kain kami sa BBQhan, kuwentuhan lang ng mga kung ano-ano tapos hinatid na namin si BG. Lumuwas ulit kami ni Mikoy. Pumunta naman kami sa QC, nag coffee kami sa SB Timog. Doon kami nagtagal, doon kami nakapag usap ng matagal. Tanong-tanong sa mga ex’s mga buhay2 ganun. Nag-aya siya mga 1am ata yun kasi nagugutom hahaha. So punta naman kami sa McDo Quezon Ave. Kuwentuhan lang ulit. Nagtataka nga daw siya bakit di pa ako nagaaya eh late na nun. Buti na lang daw sumakit tyan ko hahaha.

On the way home I said THANK YOU kasi i had a nice time. Actually binigyan ko siya ng letter using SB tissue. I loved doing that, I mean ugali ko yun na magsusulat kahit saan. Pero di naman nagva-vandalize ah.

Paguwi niya tinawagan niya ako ulit (mga 4am na ata yun) Usap pa rin kami kahit parang wala na atang sense pinaguusapan namin. Pinababa ko lang nung marinig ko na parang gising na ata mommy ko at tumilaok na manok ng kapitbahay namin (time is 530AM) hahaha, Di bale ng puyat may ngiti naman sa labi. Set the alarm at 9 or 10am ata yun. Syempre ayaw ko pahalata kay mommy na wala akong tulog at need ko kasi tumulong sa kanya sa household chores.

Ayun madalas na kami magpalitan ng text, call di pa naman masyado, chat. March 4, a day before my birthday ang di ko talaga makakalimutan. Parang sabi ko sa kanya I will drop by SMSL to buy a new blouse. Tapos text siya ng text kung mga what time ako makakarating doon. Sabi ko depende sa traffic pero text ko siya pagdating doon. Since nagtext si ex sa akin noon kung may lakad ako sabi ko punta ako SMSL so kung pwede daw siya sumama. Sabi ko ok lang. Si ex tanong ng tanong kung sino katext ko sabi ko kaibigan ko. Di ko sinasabi din sa kanya not for anything else kaya lang nauna siyang magsikreto sa akin ng mga nakakausap niya na ang usapan namin kahit hindi na kami eh magiging open pa rin kami. Eh ugali nun parang nagpapaselos so nabuwisit ako. Anyway, ayaw ko pagusapan. When we were eating at KFC, biglang nagtext si Mikoy na nasa area daw siya at may bibigay sya sa akin. GRABE! Di ko alam gagawin ko. Alangan namang pauwiin ko magisa si ex (may respeto naman ako noh) para lang makasama si Mikoy. So I asked kung ano ba bibigay niya baka it could wait sabi niya matutunaw nga daw kasi sabi ko next time na lang kami magkita dahil kasama ko nga si ex. Naramdaman ko lungkot niya kahit sa text lang (aminin mo beb nalungkot ka!) Kaya sabi niya kunin ko na lang daw sa labas tapos aalis na rin siya.

Mineet ko siya sa entrance, umikot muna kami ng ilang beses para lang manamnam ko iyong frozen banana something cake. Kilig ako syempre kasi di ba effort to the max para lang mabigay ang cake (if I know gusto mo lang ako makita! Hahaha) Kaya habang pabalik ako sa KFC mukha akong tanga kasi napapangiti ako habang naglalakad hahaha.

Ex was asking kung san ako galing sabi ko mineet ko yung kaibigan ko dahil may binigay nga sa akin. Na sad ako kahit paano kasi nakita ko ung face niya na parang naiiyak na di mo maintindihan. Kinukulit niya ako kung sino yung friend ko. Sabi ko basta kaibigan ko. Nahihiya man ako sa kanya kahit tinutukso nya ako pero ramdam nya yung saya ko nung oras na iyon dahil kay Mikoy. At doon ko naramdaman na nasaktan ko siya.

Kinabukasan, birthday ko nagulat ako kasi may pina package siyang 2 pringles at stuff toy na daga (si dodie) Nung tinanong ko siya kung bakit daga wala lang daw ata siya maisip or dahil year of the rat ba? Kasi alam niyang mahilig ako sa stuffed toys.

So fast forward na lang tayo… naging kami black Saturday dahil madaling araw nay un hahahha after niya ako awayin at kinulit ako para kausapin siya habang hilong-hilo ako dahil sa puyat sa pabasa hahaha.

Ayun lang. basta babe everytime na maaalala ko yung birthday cake kinikilig pa rin ako :)

When will you give me that kind of kilig uli? :)


eto na kami ngayon :))

Tuesday, February 2, 2010

sleeping on the job!



Here's sammie in action!


ATTENTION Mr. D and Ms. A!!! naghihilik na naman si sammie ko (na dilat na dilat lang ang mata!) hahahhaha

peace beb!


bokbokokok


Last Sunday, we went to Pampanga. Here's Tito Boy feeding the chicken (free range yan so organic). Sila ang ginagawang arrozcaldo na agahan namin (native chix kaya masarap at matigas hhehe).

Nakakatuwa lang silang panuorin. bokbok







Rap/Visayan/Mongol Version by Inday




Inday singing Manny Villar's Jingle.

Check!

Adsense