Sunday, May 9, 2010

Hangover


According to Mr. Wiki, it is the delayed alcohol induced headache describes the sum of unpleasant physiological effects following heavy consumption of alcoholic beverages. The most commonly reported characteristics of a hangover include headache, nausea, sensitivity to light and noise, lethargy, dysphoria, diarrhea and thirst, typically after the intoxicating effects of the alcohol begin to wear off.


Ok. I do not have a hangover.

To make things light, I will write this post in Tagalog.

Parang continuation ito ng shout out ko sa FB yesterday re walang pagkakaiba ang taong in-love sa taong broken-hearted. Sabi ko nga kapag inlab ka natutulala ka dahil lagi mo siyang naiisip at napapangiti ka kapag naiisip mo siya or nakatanggap ka ng text mula sa kanya. Ganyan din ang feeling di ba kapag sumakit ang dibdib mo (hindi dahil sa mabigat ang hinaharap mo) dahil nasaktan ka? Natutulala ka dahil iniisip mo kung bakit kayo nagkagalit, nagkahiwalay, nagtalo, etc.

Hangover nararamdaman mo kapag napasobra ang inom mo ng alak at mararamdaman mo ito kinaumagahan pa. Parang sa pag-ibig din yan. Mararamdaman mo lang ang epekto nito kapag masyado kang nagpakalango sa nararamdaman mo. Sa bandang huli mo na lang mararamdaman na hindi mo dapat binigay ang lahat, tulad ng alak, hindi ka dapat nagpakalasing para wala kang hang over.

Bakit ko sinasabi ito ngayon? Wala. Totoo wala lang. Mas nakakapagsulat lang siguro ako talaga ng mga ganito kapag may iniisip ako. Kagabi sinusubukan ko ulit dugtungan iyong nasimulan kong maikling kuwento ko pero hindi ko yata kaya talaga. Hindi ko kaya ang ganun. Siguro katulad ng mga sinusulat ni Bob Ong. Yung mga hango sa nangyayari sa buhay natin, parang ganito. Yung may kalayaan ka sa pagsulat.

O siya, maliligo na ako para mawala ang "hangover" ko. =)

Adsense