Wednesday, June 23, 2010

surprises

one time, napagusapan namin ng isang officemate/friend ko ang tungkol sa anniversary nila. sabi niya it was just ok, quite disappointed so i asked why. kasi siya she was so preparing for the anniversary months ago pa (ung Macau trip nga sagot niya) at dami pakulo 3 monthsaries ago in preparation for the anniv. disappointed siya kasi parang the usual dates lang daw ang nangyari nung araw na iyon. kumbaga parang di man lang daw pinagisipan or something.

not expecting for material things or surprises na bongga talaga pero do something different naman sana. nung V day nga he surprised her na pumunta sila tagaytay pero eto first yr anniv nila parang simple lang. although sabi niya naiintindihan naman daw nia kahit paano dahil may problema nga daw sa ofc ni bf kaya sabi ko baka nagkataon lang at baka kung walang problema sa ofc eh baka tinalbugan din ang V day surprise niya sa iyo.

to make the long story short sabi namin we should not expect things or too much from our respective partners para di kami ma disappoint. para kapag hindi naabot ng expectations mo eh hindi gaano masakit.

masama bang minsan magexpect ng kahit konti lalo na pag special occasions? hindi naman siguro. kasi kami pinagiisipan naming mabuti yun sana man lang kahit pano ma reciprocate kahit di ganun ka bongga?? yun bang parang di maparamdam sa iyong parang ordinary day lang iyon kasi somehow napapaisip kami na di kami ganun ka special at di worth gawan ng mga bagay na may effort...


Malaysia-Singapore Trip II

SINGAPORE (June02-June05)




si mommy inaya talaga si klang para sumakay dito sa carousel haha. gusto niya sana sa giraffe sumakay kaso mataas di daw niya kaya haha.

we enjoyed this one too kasi 4D na siya at talagang puro kami tilamsik ng tubig paglabas namin at naalog ata ulo at katawan namin dahil nararamdaman namin ang ginagawa nila shrek. pero natakot ako nung may lumabas na gagamba sa screen at nagbagsakan ang pagkarami-raming gagamba. kasi alam kong mararamdaman ko yun (at tama nga ako dahil naramdaman kong parang maraming gagamba sa may paanan ko!!!!!) waaahhhh i hate spiders! takot ako dun!





sino mas magaling mag pose at mas sexy sige nga?! hahaha. syempre si....... monroe! belat!

pinagpose ko silang ganyan kasi ung nauna sa kanilang foreigner (korean ata) eh ganyan ang pose natawa ako kaya pinagaya ko sa kanila. buti na lang sumunod hehe.


i like this photo kasi parang stolen talaga pero actually nagiinarte lang kami haha. inayos ko ang camera ko na B/W para authentic ang dating haha


Woody!!!!

bought this in Genting tig-isa kami ni klang ayaw kasi ni carmz eh. sinuot namin while watching Songs of the Sea. grabe since pagod na kalalakad at pawisan na rin halos lahat ng tao para akong hihimatayin sa dami ng 'kebabs' at 'anaps' (code para sa mga indiano- kebabs meaning kebabaho at anaps para indian pana...) after Universal Studio kasi dumiretso na kami Sentosa.



tawa kami ng tawa while asking klang to do this shot kasi dami na nakatingin sa kanya (if i know gagayahin lang nila noh) haha

eto ung ice cream na tig SGD1.00 lang. saw this at Orchard. Yum!!! anlaki noh! effort talaga si klang pagsubo hahaha.

eto ang isa sa highlights ng Universal Studio trip namin, ang MUMMY ride. buset na ito di ko na-anticipate na kahit nasa loob itong roller coaster na ito eh mapapasigaw ako ng halos lalabas na lalaugan ko! si mommy at least consistent sa mga kuha niya, parang pinipigil hininga niya hahahaa. pero na enjoy namin impernes. kaya next time titignan muna sa brochure ang description ng ride kung extreme or not at hindi pasok lang ng pasok hahaha.

the collage we asked klang to make for beanne and juancho. sa condo nila kami tumira when we were there. ganda nga dun eh kasi may sarili silang elevator at di ka makakapanik (di ka makakapindot ng floor unless u have the card key) this was taken before going to the airport on the way home.

eto nakakatawa kasi kinukuhanan na nga kami pero nagkukuhanan din sila hahaha (or baka di sila aware at di na sinabi ni denver kaya siya lang nakatingin haha)

gusto ng mommy mag Luge. sabi ko kailangan mo mag skyride bago ka makapag luge so pumayag naman kahit all through out the ride eh nakapikit siya. hahaha. sabi nga ng pinsan ko sa picture na ito 'cuz, humihinga pa ba si tita dito?' bwahaha. aba magtiis siya eh gusto niya magluge eh hahaha.



Malaysia-Singapore Trip I

MALAYSIA (May31-June02)


ewan ko sa nanay ko kung bakit sa dami ng pose na puwede niyang gawin eh eto ang naisip niya?! Nagmamadali pa yang magpakuha. Sabi ko nga 'kung ano2 naiisip mo, tapos bigla ka na lang magpo pose diyan ng di nagsasabi. buti nailabas mo pa ulo mo diyan kung di pagbabasagin mo pa kami ng rebulto.' hahahahaa.

Hear no evil, Speak no evil, See no evil ang drama naming magkakapatid diyan. Si carmz nakaisip sunod lang kami ni bro. ehehehe uto-uto.


our nth attempt to do jump shots. haha. si mommy pagod na pagod kakatalon (dahil pinauit-ulit namin noh dahil di naman siya nakakatalon. parang inaangat lang ang 2 paa kasi na para bang papatay lang ng ipis. eh di hindi nga ganong mataas hahaha. ngayon ko lang napansin kuha ni bro dito parang nanigas hahaha.


taken at Genting Highlands. Kahit na umulan (na naman, dahil the first time I was here with M umulan din kaya nahinto ang mga rides at tagal namin sumilong sa loob) pero enjoy naman kasi napasakay ko din si mommy sa DUMBO ride hahaha (si M kasi dati un lang pinasakay sa akin eh kasi daw delikado sa iba sagutin pa niya ako kay mommy hahaha) Won 2 small bears (was aiming for the big one kaya lang naisip ko pano ko dadalhin yun sa SG? hahaha.


our tour guide dropped us in Strawberry farm (kahit di FREE ang strawberries okay na rin kasi di ko ito napuntahan dati.

eto ang last sa tour namin that day ang Petronas Towers. (M, di naman sinabi ni uncle sa atin dati na nasa likod lang natin ang PT eh di sana nakuhanan natin ng gabi. eh di ba diyan tayo dinala ni uncle sa Suria KLCC?) susme! haha. bad trip nga ako nito kasi pagbaba ko ng van may stain ako (oh yes good timing talaga ang mens haha dahil first day namin sa MAL eh first ko din) kaya borrowed ung shawl ni taba para pantakip sandali.

Di na ako pumanik dito, sina klang, carmz at denver na lang pinapanik ko. si mommy atras dahil nakakailang steps pa lang pagod na hehe. so naglibot-libot na lang kami sa paligid tapos naengganyo kong bumili ng watch for her. Ayaw pa nung una kasi daw mahal. sabi ko minsan lang naman yan tsaka para meron ka naman for yourself. naks parang totoo ah! galit na galit iyong 3 sa amin pagbalik namin kasi daw tagal namin eh ang init2 at gutom na sila hahaha. ako kasi kumain na ng roti chanai. hehe.

sa may Museum ata ito nalimot ko na. basta kuha ito bago kami mag attempt ng unang jump shots namin sa may stairs.


Adsense