Sunday, November 15, 2015

A Perfect Stranger

People spend a lifetime looking for love, wanting it, needing it, seeking it, and most of the time they don't find it. But once in a while, once in a great while, it comes to you, it throws itself in your lap, pounds on your door and says "here i am, take me I'm yours." When it comes, how can you turn away from it? How can you say "not now, maybe later?". How can you take that chance, knowing that the opportunity may never come again?

~ excerpts from Danielle Steel's A Perfect Stranger~

A friend once said "Sometimes taking that oportunity is a luxury, a luxury one can't afford."

Sa pamamaalam...

Sa pamamaalam...
     naroon ang lungkot, ang pait
Ang hapdi ng katotohanang
     lipas na ang saya, ang mga ngiti
Ay pawang mga tinik na bumabaon sa puso ko.

Ngayon ay alam ko na
      ang simula'y nagwawakas
Ang inakala kong walang hangganan
      ay mayroon palang katapusan
Kung ang buhay ay may kamatayan
      mayroon ding aalis at darating.

Abot-kamay ko man noon
       ang kaligayahan, ang tamis
Na dulot ng pag-ibig
Naging bulag at bingi ako
        sa sigaw ng isipan
Kahit pa mali
        ay pilit itinutuwid
Ngayon, walang hatid kundi pawang sakit.

Kung ang kahapon ay puno ng ala-ala
        ngayon ay pawang mga
Anini na lamang ng yugtong nagdaan
         tila isang panaginip
Sa pagmulat ay nawala ng lahat.

Tuesday, November 3, 2015

bakit ganun

medyo mababaw sa iba siguro pero nakaramdam uli ako ng kirot.

simpleng bati lang naman pero iba ang dating.

nung birthday ko biniro kita 'gawan mo naman ako ng collage or batiin mo ako sa FB'

sagot mo wag na baka may masabi ka pa. 

sakit kasi ano ba naman ang pwede mong sabihin? kinakahiya mo ba ako? di ba ako naging mabuting anak? di mo pa nga ako siguro ganun katanggap na parang itong pinili kong 'landas' ay tinuturing mo sigurong 'kakulangan' ko. 

mayroon naman siguro akong mga katangian na maganda... sana alam mo yun.

nakakasama lang ng loob.

si K pinsan ko, tinuturing na sobrang malapit sa atin. pinsan LANG. pero maganda ang pagbati pero ang ANAK nung birthday niya kailangan pang makiusap.

wala lang. lilipas lang din uli ito.

Adsense