Thursday, June 30, 2016

missing u

11yrs today nanay. i miss u. i remember when i used to ask u if i could sleep beside you at night bec i don't feel good or when something's bothering me at school or just simply being melancholic, and u will lie beside me and will put my arms around u and u hug me back? that felt good. i miss those days. hope to see u in my dreams not just tonight but any nights u feel like visiting me 😊 


Saturday, June 11, 2016

sana lang...

iyung nangyari early Monday morning was not something i was expecting. 

kalmado akong pumasok noon, nakatulog ako ng maayos the night before. naisip ko na rin ang mga dapat kong gawin ng araw na yon.

papunta na ako sa office nang...

hindi ko alam ang gagawin ko, nanginginig akong pumasok sa office umiyak ako ng umiyak sa isang conference room.

hanggang ngayon naaalala ko pa din ang itsura ng lalaking humabol sa akin. hindi alam ng tao kung anong epekto. hindi madaling kalimutan. hindi ganun kadali.

hindi niyo siguro maiiintindihan kasi hindi kayo ang nakaranas kaya huwag niyo akong pakiharapan na basta-basta na lang makakalimutan iyon. tulungan niyo ko baka mas madali. 

paranoid ako. hindi ako dumadaan sa lugar na iyon. ni hindi ako nanonood ng balita. wala na munang fb. natatakot ako sa posibleng mangyari. mahirap magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak.

ok lang ba ako? ok lang naman. pinipilit ko namang kalimutan at kung ang dating sa inyo ay parang cold at umiiwas ako sana intindihin nyo na lang at huwag niyo na lang akong sabayan. hindi iyan ang kailangan ko sa ngayon. 

hindi tayo pare-pareho ng pag-deal sa mga sitwasyon. 

kamusta or ok ka ba? salamat sa nagtanong niyan sa akin kahapon. kahit hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari at pinagkakait ko sa iyo ang kuwento nung mahuli mo akong umiiyak nitong nakaraang araw. alam kong kahit hindi ako magsalita naramdaman kong nagmamalasakit ka. 


Saturday, March 5, 2016

happy birthday to me!

tuwang-tuwa ako dito sa post ng mommy ko wagas!! super touched ako hahaha.

lagi ko kasi siyang inaasar na gawan naman ako ng collage kaso sabi niya baka daw kung ano pa masabi niya so nagtampo ako pero ngayong year di ko na in-expect kaya ng makita ko sa timeline ko natuwa ako ❤️

i love u mother dear! 😘

Tuesday, February 9, 2016

just happy.

i feel happy today. nothing so special happened but i've been like this since this morning. 

well probably because i slept well. not enough sleep but u know that feeling na kahit konting tulog lang pero di mabigat ang feeling mo paggising mo?

masaya kasi siguro masaya ako bago natapos ang araw ko kagabi. masaya kasi i was able to talk to you ng hindi mo ako na-misinterpret at nagkakabiruan pa tayo. babaw no? basta masaya sana laging ganun.

i love u.


Monday, February 1, 2016

la la la la la

All is well... Happy Monday! 😊

Tuesday, January 12, 2016

😢😢😢

Here we go again...can't help but feel I am alone (again) in this.

 

Why do I have this feeling that when there are issues with your friends, I need to try so hard

to explain myself to you and to them? That I am always at fault. Why are you having a hard time

explaining things to them when in fact you know the truth and I was hoping that we're in this TOGETHER. 

 

I try to keep it to myself because I might use words that you might not understand. In the end, we're the ones who will be fighting. Mahirap ba na ipagtanggol ako? Hindi ka naman magsisinungaling, sasabihin mo lang ang mga alam mo na nasabi ko sa kanila na knowing you may edit syempre. 

 

In our casual conversations before, naglambing ako na sana yung isang 'pangarap' ko eh tayong dalawa lang. Pero sabi mo nga na-invite mo ang kaibigan mo. Sige ok na tutal ok naman sya sa akin. Eto na naman. Last to know, meron pa palang sasama. Not necessarily because it's her. Kahit yung isa siguro sa mga kaibigan mo ang maisama mo ganito pa rin ang reaksyon ko. 

 

Dito ko na lang sasabihin hindi na sa iyo either di ko masabi ng tama dahil iiyak ako or magpe-pretend na naman akong matapang para hindi maiyak at para kung hindi mo man mabasa eh wala na tayong pagusapan. Mailabas ko na dito. Simpleng lambing lang naman iyon eh. Ayaw mo ba na tayong 2 lang? Taon-taon ka naman pumupunta dun. Pwede naman sigurong pakiusapan sila na 'uy pasensya na pwede ba next time na lang kasi napangako ko na kay beb na lakad namin yun eh.'  Mahirap ba sabihin sa mga tinuturing mong kaibigan yun lambing na request na yun? Babaw ba or childish ba? Siguro nga. Pasensya ka na tagal ko kasing hinintay yung pagkakataon na yon at dahil sa iyo medyo baka matupad na. Hindi nga lang kita masosolo. Yaan mo na. Masaya naman iyon siguro, the more-the merrier. 

 

Pasensya na at kadalasan naiipit ka sa mga ganitong pagkakataon. Sana lang hindi mo naisip na ako ang laging nasa 'mali.' 

 

thank you at nararamdaman ko naman na pinagtatanggol mo ako siguro lang pag nagkukuwento ka edited or dahil di mo nga masabi rin sa kanila ang lahat. ayaw mo nga pala ng mga ganung sitwasyon. 

 

 

sana kung sakaling mabasa mo ito, maintindihan mo ang nararamdaman ko... wala naman akong ibang intensyon na makasakit, nasaktan at nasasaktan din naman ako kasi. 

 

mahal kita.

 

 

 

 

 

Wednesday, January 6, 2016

Happy birthdayyyyy!!!

To the person who lets me experience the beauty of life everyday, for bringing out the best and worst (rawrrr!) in me, for the good and bad times, for being patient and silly when i have kikkoman, for making me laugh always with you silly antics, for showing me that we need to show kindness even when we are provoked(hirap!) to be rude.. happy birthday polding! i heart you! cheers to more travels with you! 


Travel Junkie

Merit Awardee

Adsense