Tuesday, January 12, 2016

😢😢😢

Here we go again...can't help but feel I am alone (again) in this.

 

Why do I have this feeling that when there are issues with your friends, I need to try so hard

to explain myself to you and to them? That I am always at fault. Why are you having a hard time

explaining things to them when in fact you know the truth and I was hoping that we're in this TOGETHER. 

 

I try to keep it to myself because I might use words that you might not understand. In the end, we're the ones who will be fighting. Mahirap ba na ipagtanggol ako? Hindi ka naman magsisinungaling, sasabihin mo lang ang mga alam mo na nasabi ko sa kanila na knowing you may edit syempre. 

 

In our casual conversations before, naglambing ako na sana yung isang 'pangarap' ko eh tayong dalawa lang. Pero sabi mo nga na-invite mo ang kaibigan mo. Sige ok na tutal ok naman sya sa akin. Eto na naman. Last to know, meron pa palang sasama. Not necessarily because it's her. Kahit yung isa siguro sa mga kaibigan mo ang maisama mo ganito pa rin ang reaksyon ko. 

 

Dito ko na lang sasabihin hindi na sa iyo either di ko masabi ng tama dahil iiyak ako or magpe-pretend na naman akong matapang para hindi maiyak at para kung hindi mo man mabasa eh wala na tayong pagusapan. Mailabas ko na dito. Simpleng lambing lang naman iyon eh. Ayaw mo ba na tayong 2 lang? Taon-taon ka naman pumupunta dun. Pwede naman sigurong pakiusapan sila na 'uy pasensya na pwede ba next time na lang kasi napangako ko na kay beb na lakad namin yun eh.'  Mahirap ba sabihin sa mga tinuturing mong kaibigan yun lambing na request na yun? Babaw ba or childish ba? Siguro nga. Pasensya ka na tagal ko kasing hinintay yung pagkakataon na yon at dahil sa iyo medyo baka matupad na. Hindi nga lang kita masosolo. Yaan mo na. Masaya naman iyon siguro, the more-the merrier. 

 

Pasensya na at kadalasan naiipit ka sa mga ganitong pagkakataon. Sana lang hindi mo naisip na ako ang laging nasa 'mali.' 

 

thank you at nararamdaman ko naman na pinagtatanggol mo ako siguro lang pag nagkukuwento ka edited or dahil di mo nga masabi rin sa kanila ang lahat. ayaw mo nga pala ng mga ganung sitwasyon. 

 

 

sana kung sakaling mabasa mo ito, maintindihan mo ang nararamdaman ko... wala naman akong ibang intensyon na makasakit, nasaktan at nasasaktan din naman ako kasi. 

 

mahal kita.

 

 

 

 

 

No comments:

Adsense