Saturday, June 11, 2016

sana lang...

iyung nangyari early Monday morning was not something i was expecting. 

kalmado akong pumasok noon, nakatulog ako ng maayos the night before. naisip ko na rin ang mga dapat kong gawin ng araw na yon.

papunta na ako sa office nang...

hindi ko alam ang gagawin ko, nanginginig akong pumasok sa office umiyak ako ng umiyak sa isang conference room.

hanggang ngayon naaalala ko pa din ang itsura ng lalaking humabol sa akin. hindi alam ng tao kung anong epekto. hindi madaling kalimutan. hindi ganun kadali.

hindi niyo siguro maiiintindihan kasi hindi kayo ang nakaranas kaya huwag niyo akong pakiharapan na basta-basta na lang makakalimutan iyon. tulungan niyo ko baka mas madali. 

paranoid ako. hindi ako dumadaan sa lugar na iyon. ni hindi ako nanonood ng balita. wala na munang fb. natatakot ako sa posibleng mangyari. mahirap magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak.

ok lang ba ako? ok lang naman. pinipilit ko namang kalimutan at kung ang dating sa inyo ay parang cold at umiiwas ako sana intindihin nyo na lang at huwag niyo na lang akong sabayan. hindi iyan ang kailangan ko sa ngayon. 

hindi tayo pare-pareho ng pag-deal sa mga sitwasyon. 

kamusta or ok ka ba? salamat sa nagtanong niyan sa akin kahapon. kahit hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari at pinagkakait ko sa iyo ang kuwento nung mahuli mo akong umiiyak nitong nakaraang araw. alam kong kahit hindi ako magsalita naramdaman kong nagmamalasakit ka. 


No comments:

Adsense